Di ko naman talaga gustong maging titser. Walang yumayaman na titser. Sabi ko: ‘pansamantala lang’, habang di pa dumadating ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa. Sinabi ko yun, 10 taon na ang nakakaraan. Ang “pansamantala” naging “pansamantagal”. Sa isang pribado paaralan pa ako nadestino. Dahil nga sa dati akong seminarista, “Values Education” daw ang ituro ko para di na daw ako mahirapan. Talaga lang ha. E mas mahirap kayang ituro ang tungkol sa kagandahang asal kung ang magtuturo ay unti-unti ng nagiging demonyito. Kasubuan na. Sige na nga.
Maraming pagsubok o dapat pakisamahan ang titser: sa estudyante, magulang at administrador, lahat ito kailangan mong pakiharapan ng may ngiti sa iyong mga labi kasi kung hindi kasama ka na sa estatistika ng mga PAL as in palamunin.
Pero habang tumatagal ay masasanay ka na rin sa mga gawain hanggang di mo namamalayan tumatanda ka na sa profesyong ito. Masasabi kong Masaya na rin ako kasi marami akong natutunan sa mga kapwa ko titser at sa mga tinuturuan ko. Marami akong nakilala na tinuturing ko ng pamilya.
Sa pagiging titser ko nakilala ang mga tao na bumuo sa pagkatao ko. Sa pagiging titser ko rin natutunan ang tunay na ibig sabihin ng pagmamahal, ang tumayo sa pagkabigo dahil din sa pag-ibig, at matutunan mong tanggapin ang iyong tunay na pagkatao dahil walang ibang kayang tanggapin kung sino ka kung hindi ikaw mismo bago pa ang iba. Karamihan sa mga karanasan ko ay kasama sila, Masaya man o malungkot, maganda man o pangit, andun sila.
Magulo ang utak ko, na maari din sabihing nasisira na ito. Hindi man sinasadya o ginusto, ang mga karakter sa istorya ng kaguluhan/kasiraan ng utak ko ang mundo ko sa akademiya at upang maging maayos ito, kailangan mailahad.
ui, kabaro sa propesyon. galing din akong private (lahat naman at ng bagong guro)binigyan din anko ng values ed sa unang taon ko. pakshet na yan...
ReplyDeletedami rin akong natutunan sa propesyon natin. kung may pagkakataon, lipat ka na sa public :)
Sir Mots! Welcome to my semi-demonic world! hehehe! We have something in common..uuuyyy..ching!
ReplyDeleteDi ko lang alam sir, kasi (modesty aside) nasa admin na ako ih..bahala na si batman!