Sige na pindot na!

Friday, April 15, 2011

TANDA!

Di naman akong takot tumanda mga teh, kasi naniniwala ako na “it’s inevitable” (char!) kaya lang wag mo ng ipamukha sa akin na thunder cats na akitch.


Kaya lang kanina ipinamukha sa akin ng kalikasan na tumatander na akitch. Nagpunta kasi ako sa bangko (yung model si Papa Piolo) para mag labas ng kayamanan sa ATM kasi may babayaran ako, ng it’s my turn na, at inuutusan na ako ng makina na pindutin ang aking mga Pin Numbers, nataranta ako ng di ko matandaan ang mga numero. Juice Ko day!umabot tuloy sa sukdulan yung aking pagpindot kaya di  na ako pinayagan ng makina na maglabas ng salapi. Juice ko Day uli! Late na nga ako sa pupuntahan ko, ganito pa.

Kaya ayun, kailangan kong magbiyahe ulit ng dalawang oras sa Lunes , para ibigay ang bayad na di ko naibigay kanina. Sus!

Moral of the story: MATANDA NA AKO! PUTEK!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...