Yes mga kumare, dati akong seminarista, yun bang nag-aaral para maging pari. Paano nangyari yun? di ba as I've written in my previous notes, I"m a Lola's boy and my Lola was sort of a "manang" sa bayan namin, so lagi akong bitbit sa simbahan, and I was somewhat amazed of what a priest can do, what he says napapasunod nya mga tao..pag sinabi nyang tumayo, tayuan kaming lahat, pag upo, upo naman at pag kanta kanta lahat..e bata pa ko nun mga kumare kaya ganon, so dahil don kaya sabi ko "I want to be like that"..chos!
I also studied in a Catholic school na kapitbahay lang ang simbahan, so lalo pang nadugtungan pagka gusto ko sa pagpapari. I joined the different catholic youth organizations: Knights of the Altar(sakristan), choir at kung anek-anek pa. And after graduating high school, gora na ako sa seminaryo. Syempre, mga kumare di ko pa alam ang tunay na pagkatao ko nun, I had some hints, pero napapalitan yun ng adhikain na hindi ako ganun (sa sususnod na lang na kabanata yun mga teh..hihihi..)
akoh to teh! ganda no! |
So I spent three years total sa seminaryo dito sa aming prabins. Ok pala nakasuot ng mahabang damit na puti, parang evening gown lang! Char! hehehe..Masaya ang buhay don kahit routinary: dasal, aral, kain, laro at LANDIAN! hahaha. Yes mga kumare you heard it right, kalandian. Aminin man o hindi ng mga nasa sa simbahan, it do exist, ang kabaklaan sa simbahan. In between our routine life, may mga naging kaklase ako at mga nadatnan sa seminaryo na tumitili at kumekendeng, pero syempre di pinakikita sa mga "formators" o mga paring namamahala.
Seminary beauties..hehehe |
May nabuo nga kaming barkada na mga hitad, dun ko unti-unti natatanggap na pusong mamon akitch. Sa aming grupo, isa lang naging pari, nasa norte na sya ngayun. Sabi nila mahigpit na daw ngayon, matindi na ang screening para wala ng makalusot na becki..(yun akala nila..hahaha!)
Wholesome mga kumare ang buhay ko sa kumbento este seminaryo pala, though may landian wala naman kabalahuraan akong nasaksihan. Tsismis lang pero wala akong nahuli in the act, kaya sorry mga teh, walang kademonyituhang kwento ako sa inyo. Sa labas ng seminaryo nangyari yun (kaya abangan!hihihi). Pero di naman mawawala ang magkarun ako ng crush sa kasamahan ko dun no, lalo na kay..hhhmm..itago natin sya sa pangalan na RON.
Si Ron |
Cute si Ron, matalino, okay lang katawan, pero ang sex appeal, grabe! Dahil kaklase ko sya, lagi kaming magkasama at magkausap. Wala naman akong alam sa gay feelings non o sa kamunduhan mga kumare, bano kasi ako sa mga bano, kaya ayun hanggan pa tweetums lang akitch. Minsan, nung dalawa lang kami sa may sampayan ng damit, sabi ko sa kanya ang tunay kong feelings na "I want to be his good friend..a very good friend", at first okay lang sa kanya, kasi ganun naman talaga ang relationship namin, pero sa kagustuhan na rin siguro ni "Bro" we drifted apart. After kong umalis sa seminaryo, nagpatuloy si Ron sa pagpapari at naging pari nga siya. Unfortunately a few years back, nabalitaan ko na lamang na umalis na sa pagkapari si Ron, kasi nahuli na may anak pala siyang tinatago dun sa babae na pinopormahan nya at pinagseselosan ko nung seminarista pa kami. Di ko na alam kung asan na si Ron. I hope na he's doing alright.
P.S. Siguro mga kumare may nagtatanong: e mabait ka naman pala bakit "demonyito"? Sagot: In observance lang ng panahon ng Kuwaresma mga teh, kahit naman demonyito, si "Bro" pa rin ang lumikha sa akin, kaya bigay respeto lang..hahaha..talagang magpaliwanag pa..kaya abangan..bwahahaha!
Like ko yung abangan hehehe >:D,
ReplyDeletemhirap daw ang mgpari ah?? Theology-ng mga subjct? gusto ko dyan yung natututo kayong mag-latin ba yun :) hehehe
Pong! kaabang-abang talaga! Bwahahaha! ;)
ReplyDeleteTama! dahil sa seminaryo magaling ako "saLatin" hehehe..
my crush akong semenarista huhuhu as in. ok lang ba lapitan ko sya at sabihin un, di ba kaya mapahiya ako?
ReplyDeleteAnomy! depende sa tao yun..kung kilala mo na siyang talaga..pede na..pero be careful..
ReplyDelete