Sige na pindot na!

Thursday, July 21, 2011

SEVEN CAPITAL SINS: GREED (2)

I should be jumping for joy when my pay envelop was handed to me the other day because I got a raised!

Pero wala lang, dahil kulang pa rin.

Lagi na lang ganito pag sweldo, imbis na ngumiti, parang lalong lumalaki problema. No effect na nga rin yata yung convincing mantra ko na:

Okay lang na maliit ang sweldo dahil nakakabayad ka pa sa mga utang mo, hindi katulad ng iba, walang sweldo.

at ito pa isa:

Pasalamat ka sa trabaho mo kasi marami ang gustong nasa lugar mo na walang trabaho o kundi kaya ang trabaho ay magkalkal ng basura! 

Ako rin naman ang dapat sisihin, kasi kung umasta ako sa pag-gastos nung nakaraang summer parang sweldo ng CEO ng multinational company ang tatanggapin ko. Nanaginip lang pala ako. At habang nasa panaginip akong yun, bumili ako ng hulugang 32 inches na LED TV, Desktop na pamalit sa aking jurassic na Computer set, yung running shoes ko na binili kay papalicious salesman sa Nike MOA at lately dahil naisip ko na kailangan sabay ang pagpapaganda ng katawan ang pagpapaganda ng mukha may kinuha akong package sa isang skin specialist. 

O di ba ang gastos! kaya ngayon problemado Lola mo! sus! 

Not to mention the basic bills I have to pay: MERALCO, SMART Gold, SMART Bro, Cable, Amortization sa lupa,  at tuition fee ng mga pamangkin ko! Nag-aaral pa ako niyan ha..

Pano pa ba naman ako makakahada di ba? Wala na. Kaya may kalyo na kamay ko! the left and the right! 

choz! ;D

At alam ko na ang sasabihin mo: Live within your means!

Teh, you don't have to tell me that, because all my life I have been living within my means. Nakakalimot lang pa minsan-minsan. Bakit? Wala na ba akong karapatan na mabili ang gusto ko at hindi na lang puro ukay-ukay. Wala na ba akong karapatang lumigaya! Ayoko ng putik! Ayoko ng masikip!

choz uli! ;D

Haaaaaaiiiiiiiiiiiissssssssttttttttt! ang lalim nun ha..


Bahala na si Batman..Babalik na lang ako sa batcave..pero mag-window shopping muna akitch...






may ganon?! 


magkano per kilo teh? 
Natanggap ba kayo ng card?
Pakibalot na nga teh! Bilis!


pak! ;D


2 comments:

  1. wala na yung teacher na mahal ko soooo... hihi!!! Hindi nako nakakarelate! may ganun? whahaha!!

    ReplyDelete
  2. Wilberchie! weeehhh?! di nga..bawal ang sinungaling! bwahahaha! choz! ;D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...