Sige na pindot na!

Saturday, August 6, 2011

LATE BLOMMER



I’M BACK MGA ATEH! And I missed you all so much! Grabeycious talaga! ;D

Dami ko lang talaga lang ginagawa, ewan ko nga ba kung bakit nagkapatong-patong ang Gawain ko sa work, parang efficient na titser lang talaga. Choz! Lesson plan dito, Iskul activities dito, doon training dito, doon, alalay ng mga baytamins sa training nila dito, doon.. buti na lang sa pag-alalay sa mga baytamins e hindi natuloy ang pag-trekking naming sa bundok na ke taas-taas, dahil sa walang humpay na pag-ulan. Tenks gudnesh!

Pero ang isang enjoy ako, e nung nautusan akong pumunta ng Divisoria. Stress reliever ko kaya ang bumili ng mga bagay-bagay, which may not necessarily mean na aking pera ang ginagasatos, kaya mas okay yun. Ang di ko lang gusto e dapat mag commute ako dahil di available ang mga caru at vanu ng mga utaw.
The day ng aking pag gora sa Divi, na late ako ng gising, kasi minsan lang mangyari yun na walang pasok sa aking iskul, kaya may I patay my alarm clock. E bukod sa Divi, I have to pass by my favorite Glorrieta to buy something na makakatulong sa aking pagpapayat.  Kaya nung magising ako, nagmamadali ang ateh mo, buti na lang di masyadong maulan nung araw na yun.

But I notice something new or different in how I look at people that day. From Magallanes I have to take the MRT on my way to Ayala and then from the station to the shop where I am supposed to buy something. To the shop I have to go back to the MRT station and ride a train to EDSA station, from there I have to buy a ticket and transfer to LRT line 1 and ride the train again to Doroteo Jose, then a jeepney to Divisoria.

With all that travel time, I noticed that I was regularly checking out men: young, middle aged, thin, buffed, cute, fahionista. Datirati naman di naman ako ganun makatingin sa mga kapwa ko lalaki. Yes I check them out, yung mga kakaiba sa tingin at panlasa ko at saglit lang yun. Yun bang di halata, masakit kayang majombag ng bonggang bongga. Pero iba na ngayun, di lang ako sight.. I was already staring as in nakababad. Nagulat lang talaga ako. When I was refelecting kung bakit ganun, naisip ko na nagsimula ang lahat ng ito nung simulan ko ang blog kong ito. I met friends and people who feel what I feel, talk the way I talk and think the way I think.  And I felt at ease.

A few months ago, I wrote an email of thanks to Mcvie, one of the most fabulous fabcasters I ever heard. When he answered my email, he opened it with ‘Ano ba BAKLA! Okay lang yun!’ honestly I was taken aback; I was not used in being called bakla, discreet chuvaness nga kasi ako mga ateh. Pamintang buo, durog, crystallized, powdered, solidified at kung anek, anek pa, AKO YUN. I do not need to defend my decision to treat my sexually this way. But reflecting on it a little more, my ‘devilish promdi soul’ somewhat made me realize that I need to reconcile my bakla soul with my manly soul. “Mag-usap kayong dalawa, sino ba talaga ang makapangyarihan ikaw na babae ang hanap o ikaw na kapwa ko mahal ko.” Until these two souls make up who’s whom, I will remain the Demonyito lurking in the stillness of the night. Choz!

A friend’s daughter turned 18 recently and all of the old friends where invited for a simple dinner and some drinks. Syempre di mawawala ang tsismis, probinsya kaya ito teh. Kung sinong wala syang topic, at napausapan ang isang konsehal ng bayan naming na kaibigan din naman naming na halata naming beki, kaya lang di umamamin. Then napunta ang usapan sa gobernador naming na dating artista na nag survey daw sa bayan naming kung ilan ang beki at sabi ng kasamahang beki nasa 300 lang daw ang nagpalista, at sa gulat ng marami bigla akong sumingit ng ganito:

Ako: ‘At yung mga paminta as of this afternoon ay 3, 400 na ang count.’
Tawanan ang lahat ng may nag-tanong:
Kaibigan sa akin: ‘Bakot mo alam?’
Ako: Kasi ako yung huling pumirma!
Tawanan uli

Bigla akong nabigla at natanong sa sarili: Nasabi ko yun? Dati rati naiinis ako sa mga ganung comment kahit di ako ang concern. I am changing.

Sabi ko nga noon, I am taking my time, baby steps with pointed toes! Ching! I am slowly accepting who I really am. I don’t need to shout to high heavens about my true sexuality or even explain myself because as far as I know I don’t owe anyone an explanation. My life, my sexuality, my preference, my soul.

And lastly, my ‘gaydar’ also seems to have leveled up. Andami kong naamoy sa mga nakakasalubong ko na, kapareho ko yata ang pabango. Choz! Lalo na nung nasa Glorietta ako, dati naman ang napapansin ko lang e yung mga effem talaga, pero ngayon kahit yung mga kalahi ko na paminta naamoy ko na, bahing nga ako ng bahing! Hihihi ;D

Nice to be back mga kumare! I hope you’re happy than I am! Choz ;D



4 comments:

  1. sana nagjeep ka nalang from EDSA to DIvi. Parang isang long ride nalang.

    Andaming paminta! wahahha!!

    ReplyDelete
  2. Wilberchie! Naku teh, ayaw ko ng mausok..nakaka-haggard yun teh!

    Corrected by kapatid! pak na pak!

    Musta na ang puso mo? ;D

    ReplyDelete
  3. welcome to the club mare he he ... at masanay ka na sa paghatsing always ... just enjoy the trip lang sis ...

    ReplyDelete
  4. Edgar! Chapter president ka ba teh? choz!

    lagi na nga akong may dalang panyo..hihihi..;D

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...