For the longest time, I really wanted to work abroad. When the “Caregiver in Canada” was in its early boom here in Philippines, I was in batch 7 of a caregiver program of a known training center in Quezon City in the late ‘90’s. I was already teaching then, but for me it was just a temporary gig. Lagi kong sinasabi, ‘Di ako tatandang titser’, even my friends tell me to study more for promotion purposes, but I’ll tell them that I don’t need to study because I don’t intend to for long my stay in the education business.
Andami ko ng application sa kung ano-anong agency, maging online man yan o may personal appearance pa ako. So far, sa awa ng Maykapal, di pa naman ako naloloko ng major-major, slight lang o muntikan. Canada, US, UK, Dubai, Hongkong at Ireland, yan ang mga bansang pinangarap kong puntahan sa pamamagitan ng paghahanap ng trabaho, at di ako namimili ng trabaho, mula sa pagiging caregiver hanggang janitor handa kong pasukan, makaalis lang sa bansa. Dahil ang prinsipyo ko, kung aalis din lang naman ako sa pagtuturo, might as well find another job. Ang inaayawan, din a binabalikan.
Nagipon din ako ng malaking salapi, bilang panustos sa balaking ito. Pero ewan ko ba, parang nananadya ang tadhana, yung una kong application sa Canada for direct hiring ay naging ‘in positive progress’ na, nagpadala na rin ako ng placement fee sa agency na ‘yun, ng biglang kailangan na bumili ako ng lupa at magpatayo ng bahay dahil walang matitirahan ang pamilya ng bunso kong kapatid at para sa akin na rin kasi uunahan ko na ang anak-anakan ng Lolo at Lola ko na nagpalaki sa akin, bago pa ako mapalayas. Ang siste, iniatras ko ang application ko sa Canada upang makuha ang pera.
Pikit mata, bumili ako ng lupa at nagpatayo ng bahay, paunti-unti. Loan dito, loan doon, bawal magluho. Nung matapos ng bahagya ang bahay ko at maari ng tirhan, pinalipat ko na ang kapatid ko. Five months later, ako naman ang lumipat. Dahil may natira pa akong pera sa naibalik na placement fee, bumili ako ng pampasaherong tricycle to hit two birds with one stone: unang bato, para may maghahatid sa akin sa pinapasukan ko, kasi malayo-layo rin ang bahay ko sa iskul; ikalawang bato: para may pag-kakitaan si bayaw at hindi lagging umaasa sa akin. O di ba prefect!
Matapos akong makalipat, nagipon uli ako, para pang-gastos ko sa binabalak kong pagpunta ng dubai o macau, para magtrabaho. Nang sapat na ito, biglang nangailangan ang kapatid kong sumunod sa akin ng pera para pang placement fee nya sa pag punta sa Qatar. Ang unang plano ay mag-loan sya sa sa in-house financing ng agency nya at ako ang gagawing Guarantor ng kanyang loan. Pero naiisip ko na kung ako ang magiging guarantor, pag hindi nakabayad si kapatid sa hulog ako din ang magbabayad. Ay nako, talo ako dun, kaya ang naisip ko, ipahiram na lang sa kanya ang naipon kong pera, at pag sweldo nya, bayaran nya ako ng walang patong. Safe pa ‘yon.
Nakaalis si kapatid papuntang Qatar, lumipas ang isang buwan, ang isang taon, wala akong narinig sa kapatid ko o kahit sa asawa niya. Suma total, hanggang ngayon hindi pa nababayaran si pobreng Kuya, at si kapatid nakauwi na, hindi pa rin nagpapakita.
Sa lahat ng nangyaring ito, tila may gustong ipahiwatig sa akin ang tadhana, ayaw akong paalisin sa lupang sinilangan at mabulok na lang ang angking kagandahan sa probinsyang kinasadlakan. Hahahaaayy!
Ano ang relevance ng pamagat na “Lateblommer” sa kwento kong ito… abangan! Choz!
Wow galing mo naman. Everything happens for a reason. You are a good example to your siblings. Keep it up!
ReplyDeleteErick! Alam mo, kapangalan mo yung kapatid kong sumunod sa akin..hindi kaya?
ReplyDeletechoz! Thanks ;D
Really? hahahaha Bawal ang incest! LOL.
ReplyDeleteErick! It's true..pwamis!
ReplyDeletepero may narinig ako..nasa kamag-anak ang sarap! choz! ;D