Nagtataka ako at naguguluhan..
Ano ba ang nangyayari..
Humihina na yata ako.. o sadyang pa-laos na?
Dumating ang isang matalik na kaibigan namin galing Dubai..
Sabayan pa ng birthday ng "favorite godson" ko na anak ng bestfriend ko..
Lunch time ang usapan..nagpasabi si kaibigang galing dubai na male-late sila ng dating ng kanyang kapatid na doktora..
So napag-kasunduan namin ng papa ni Bff na simulan na namin ang tagayan..
Tanong: Anong gusto mong inumin?
Sagot: San Mig na lang, may pasok kasi bukas (usually kasi pulang kabayo ang toma namin)
Bumili ng kalahati muna...nomnom na..one on one si Papa ni BFF..bote-bote lang..gawain na namin yun..
kwentuhan..tawanan..
Naubos ang kalahati..bili uli ng kalahati..wala pa si kaibigan..
Nomnom..kwentuhan..tawanan..
Dumating na sa wakas si kaibigan galing Dubai kasama si kapatid na Doktora..
Ubos na ang San Mig lights..bili pa uli..pang isa't kalahating case na namin..kasama na si kaibigang balikbayan sa ikot. Kwentuhan. Tawanan. Kainan. Naubos na ang inumin, nagpaalam na ako, may pasok pa kasi kinabukasan.
At kinabukasan..
Ang sakit ng ulo, nahihilo, naduduwal..
buntis?
ay hindi naman siguro. Nakakabuntis na ba ang kamay? Choz!
San Mig lights lang yun, bakit ganito ang feeling ko, ang sama! Humihina na ba ako sa tomaan?
Malalaman sa mga sumusunod na araw.
baka masyado nang degraded yung alcohol dun sa san mig light na inom mo po. Tinatamaan kasi ng ilaw eh.
ReplyDeleteAko, ayoko ng san mig light. hindi ko kasi gusto yung lasa ng hops nun (hops ay yung nilalagay para maglasang beer)
Wilberchie! may ganun talaga yun kapatid? ok ah..now I know..
ReplyDeleteMinsan dalaw ka dito sa aking balur, nomnom tayo..;D