Sige na pindot na!

Monday, August 29, 2011

ESKAPO

As usual, it was a busy day in school...Celebrating the culmination of "Buwan ng Wika", I was manning the gates, and having the eagle eyes for students trying to escape the festivities..that's my job..sorry kids..

I was also waiting for some visitors from Manila that scheduled a pictorial that will feature some of our student leaders in their magazine, while the boss inquires once in a while, the whereabouts of the students concern.

When the program ended the visitors came and apologetic for coming late and was not able to take pictures of the program. After some welcome snacks I toured them around our town's beautiful church which is only beside our school, the visitors where also scouting for a beautiful spot to take the pictures. While waiting on them, I remembered my mobile-phone in my office, excused myself to check my messages. 

6 missed calls
4 messages

all coming from my bff. Thinking that it might be serious, I immediately called her up.

Me: Ano na teh? May bisita kasi..

BFF: Daanan kita, alis tayo..

Me: Ha?! Ano ka ba, 3 hours pa bago mag-uwian..May problema ba?

BFF: Lokah! Wala..sige na daanan kita..mag-paalam ka na lang sa boss mo.

Me: Sige..sige..after an hour..mag-iisip muna ako..

Sus! Akala ko kung ako na..Anong gagawin ko? sasama o hindi?

SASAMA!!! 

tindi..demonyito lang..

patapos na naman ang araw.. at wala na akong klase..pano mga bisita? tapos na ang pictorial, kailangan na lang ng names, dali-dali akong nag-type ..print..habang tumatakbo ang utak ko sa idadahilan ko kay bosing para maka-eskapu.

Kung gagawa ng krimen, kahit madalian, kailangan malinis, walang huli..

Nang-pumasok ako sa office ni bosing para ibigay ang mga names ng mga bata na kasama sa pictorial, andun mga bisita, snacks uli. Naalala ko yung nabasa ko nung High School pa ako, kung gusto mong mag-paalam o humingi ng pera sa magulang, itaon mong busy, para oo lang ng oo sa mg sasabihin mo.Kaya ganun ginawa ko, habang busy si bosing sa pagiging good host, sinabayan ko ng paalam na may emergency lang at kailangan kong mag-undertime. Pumayag! Jackpot!

Dali-dali akong lumabas ng office, pumunta sa office ko, kinuha ang gamit, bilis-bilis tumalilis walang lingon-lingon! kahit may tumatawag, dedma! parang walang narinig.

Nakita ko na ang caru ni bff..pasok..fly! Tawa ng tawa si bff..bilis-bilis daw ako sa paglakad. Parang may pinagtataguan lang. 

Hay! Sa ngalan ng kaibigan gustong gumala..magsisinungaling at gagawin ang lahat para siya'y samahan lang!

Pak! ;D

Buhay na talaga uli ang Demonyito! Bwahahaha!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...