Sige na pindot na!

Showing posts with label Bait-baitan. Show all posts
Showing posts with label Bait-baitan. Show all posts

Monday, February 27, 2012

MIA


I miss you guys..just really swamped with work..

At di ko din alam kung ano meron ang 2012 at mukhang naiiba ihip ng hangin ng mundo..

At mukhang Idol ko talaga si Josh..

I 'think' I will tie the knot, if not this year..early next year..

Am I doing the right thing?

Your guess is as good as mine ;)

But I feel good..even excited of the idea..

So...abangan ang susunod na kabanata.. ;)

Friday, August 12, 2011

INTERCESSION

To my..

..Blog readers (if there is any) whether it’s your first to read my blog or have been regularly dropping by …

..Blog Friends (I know there are out there)..Brothers, sisters, PLU’s..

..Whatever religion you believe, whether you believe in Jesus, Buddha, Mohammed, as long as you believe that there is more powerful over us..

Can I ask you a huge favor..

Can you please pray for my three students tomorrow?

They are semi-finalists, representing our province to the St. Paul’s National Bible Quiz Bee, which will be held at Silang, Cavite. This will be their first time to join such event, and have been busting their assess and minds reviewing for this. They deserve to win. I just feel it. I know it.

They need all the support they can get, and we humbly ask for your prayers.

Thank you very much and I know I can always count on you.

By the way.. did I mention I am their coach.. ;D


The semi-finalists needs your prayer...please..


Sunday, July 24, 2011

DIVAS

FINALLY!

Napanuod ko rin ang pinag-uusapang musical play na itich! Salamat kay Jellicle, nalaman ko ang schedule nila this month, kaya may I yaya ang aking best friend with her loving husband of course at ang doktora naming kaibigan na bagong miyembro ng aming munting grupo sa pag gimik (that's  for another story).

Well I paid for the tickets, dahil ako yung nang ibita, okay lang naman, kesa naman kasi ako lang ang mag-isang manuod, tawag na agad ang ateh para makapag-pa-resreve ng tickets. I opted to let my friends choose the date, basta weekend at 3p.m.

So a day before the bog event, I reminded my amigas of our date, unfortunately di pwede ang caru ni bff at biglang kailangan maipasok ang Van ni doktotora sa casa, kaya wala kaming choice kungdi mag-commute.

9a.m ang usapan namin ni bff na magkita sa skul na pinagtuturuan ko. At dahil ulirang ina si bff, late ang lola mo, expected ko na yun, sa tagal ba naming magkaibigan, at si doktora naman ay sa isang mall na lang mag-iintay sa amin. So gora na kami, sakay ng bus, baba sa mall, tinagpo si doktora, sakay uli sa bus papuntang manila para tagpuin naman si papa ni bff.

Ang huli kong luwas sa manila ay nung Pondo ng Pinoy Aniv, at bumili ako ng rubber shoes kay papalicious salesman sa MOA..hay..si papalicious..

sori..natulala ako..

balik sa istorya ng paglalakbay...

dahil nga nabawasan na ako ng tabachingching, nagkasya kaming tatlo sa upuan ng bus at nakatulog si bff..as in tulog..nanaginip pa nga ang lola mo..kaya ang saya-saya nya nung magising siya na nasa EDSA na kami at pababa na ng Robinson's Pioneer, yun yata daw ang pinakamahaba nyang power nap, workaholic si bff.

Pagbaba namin dahil lunch time na, hanap kami ng kakainan,at we ended up at Old Spaghetti House. Okay naman ng food, dahil favorite ko din namang kainan yun. Walang patumanggang chika kaming tatlo habang nagiintay kay papa ni bff. After lunch, as suggested by bff, hanap daw kami ng ibang lugar for dessert, so gora uli, pero napadaan kami ng isang shop na sale ang mga sapatos, lumiwanag ang mata ni bff at doktora parang mga batang nakakita ng maraming candy! Nalimutan na ang dessert!

Biglang dating ni papa ni bff (actually ako ang match maker nag dalawang itich), at dahil six footer si papa kitang kita mo siya agad. Ikot-ikot ng kaunti at dahil hahanapin pa namin ang PETA, nagyayaan na, pero success si doktora at papa ni bff may mga bitbit!

Using my phone's GPS (tutyal!) nakita namin agad ang PETA, pero panic si bff ng makita ang mga nasa harapan ng Theater, dahil naka dress to the max ang mga manunuod na nasa alta sociedad, with matching pearls pa at stilettos! Eh samantalang kami, casual na casual lang, parang sa sine lang pupunta! Bigla kong naalala na sponsored nga pala ng St. Paul Pasig ang show na yun, kaya maraming mga MILF na beso ng beso.

At di matawaran, kasabay namin si Sen. Guingona and wife sa panunuod, at sa likuran lang namin nakaupo. May napuna ako habang nagiintay mag simula ang show, yung mga MILF, isa-isang lumalapit sa isang thunder na babae at sabay sabing: "Miss Lucasan, I'm so and so, do you still remember me?" o kaya ay "Miss Lucasan do you remember so ans so?" At dahil chismosa lang ako I concluded na dati nilang titser ito. Pabulong ko ngang sabi kay bff na lalapit din kami kay Miss Lucasan, at sasabihin ko na : "Miss Lucasan do you remember my friend so and so?", naku dahil titser din ako, tiyak na tatangu lang si Miss Lucasan at ibebeso si bff. Ganun kaya mga titser, sa dami ng mga naging iskwela, di lahat matatandaan, kaya pag may nagpakilala na siya ay si ganun at ganyan, tatangu na lang sya as if kilala nga ang kausap! hahaha!

And when the play started, it was simply amazing. The cast was fabulous with their punchlines, sabi nga ni papa ni bff, hanga sya sa mga gumanap kasi namemorize nila ang ke hahabang linyang yun.

The songs were superb, galing talaga ni Ateng Vince de Jesus, samahan pa ng mga dance routines nilang pak na pak! Di talaga ako napahiya sa aking mga friends. It's all worth the money. Kahit yung mga drama moments ng play ay nakakaantig talaga sa puso at ang kissing scene...sus!...ang swerte ni Ateng Chelsea (played by Melvin Lee), si Myke Salomon ba naman ang kahalikan, kahit pa "I pill like a lesbian"..pak na!

Pasensya kung mas mahaba ang kwento ko tungkol sa byahe namin kesa dun sa play, kase to experience a musical play like that makes you speechless and leave you at awe, with bibig na nakanganga ;D Sarap ulit-ulit sa memory ang mga napanuod ko. Busog na busog ang aking kaluluwa at pinabata ako ng 20 years sa sayang dinulot ng mga narinig at nasaksihan ko.

Sabi nga ni bff, mauulit..ito'y mauulit!

At dahil marami ngang MILF after the show, di ko kinayang makipagsiksikan kaya ito lang pictures ko:


Hanga din ako sa gumanap na Matanda ng mga Caredivas, sana lahat ng tumatanda katulad nyang maunawain at mabait, at nakikita mo ba ang dibdib na yun nung mamang katabi ng matanda..ang sarap di ba?! 




The best talaga si Ateng Vince! Walang katulad..palakpakan din kay Phil Noble at Jason Barcial, galing! 


BRAVO!!!

Our Tickets and the Playbill, I also bought the soundtrack, ganda kasi ng mga songs

At syempre after the show, LAFANG! Dedma muna sa diet..pero hinay-hinay lang...



Ito si BFF at yung nagtuturo si Doktora..Loves na loves ko ang mga yan.. ;D


Thursday, June 30, 2011

'TAY (2)

Just couldn't pass the opportunity to post this message I got yesterday in Facebook from a former student that graduated from High School last school year.


SALUDO PO AKO SA INYO!!! :)
 sir thank you po..kc lgi po kaung andyan sa aming lahat para gabayan at patnubayan sa mga dapat nming gwin.at binubuksan ninyo ang aming kaisipan para malaman nmin ang tama at mli.dhil dito, unti unti nmin nlalaman ang tamang landas na dapat nming thakin. sir salamat din po sa pagturing sa akin n blang tunay n anak. sir khit wala n po kmi sa skul ay ituturing ko prin kaung aking ama. mraming salamat po sir. humihingi din po ako sa pasensya sa aming k pilyuhan at sa aming pagkukulang sa org. sir msaya ako kc nging part kau ng buhay ko.noong una natatakot po tlaga ako sa inyo.pero ngaun. ndi n po bang saya ninyo pong kasama.sir maraming salamat po ksi lagi kaung andyan para pasayahin kmi.at sa oras ng kalungkutan, andyan kau para pangitiin kami.


O devah! San ka pa?!

Katulad ng sinabi ko sa nauna kong post: Who could ask for more! 

I am not pure evil..slight lang..(kaya nga DEMONYITO..hehehe) 

Simple messages like these are things that make you forget that you are overworked and underpaid. Kung baga sa advertisement nung kape, may dahilan ang pagbangon mo tuwing umaga. Hindi naman lahat ang dahilan ay pera o materyal na bagay. Mas madadala ko pa sa hukay ang mga mensaheng yun, kesa sa limpak limpak na salapi (pero di rin naman masamang masamahan ng konting ganun..hihihihi ;D)

Now I can fully appreciate the meaning of how they describe teaching: "Teaching is the Noble Profession". Hindi man ako magkaron ng sariling anak, marami namang tatawag sa akin ng 'TAY. ;D





Tuesday, June 14, 2011

CRUMBS

I was in Manila last June 9, to attend the 7th Anniversary of Pondo ng Pinoy together with fellow CL teachers all over our province. Pondo ng Pinoy is a noble project introduced by Cardinal Gaudencio Rosales who have helped  many Filipinos in having a house of their own, food for the malnaurished children, education for poor children and work for fathers and mothers to help them have a decent life for their families. All of this coming from the lowly 25 cents.  






Of course, the Catholic Hierarchy was there, from the bishops to the priests to the lay people, who believe that by the concerted efforts of all Filipinos to love and give even in small acts but with regularity and is rooted in the Love of God and Neighbor, the community will be empowered.







In his homily Cardinal Rosales said that Pondo ng Pinoy avails us of virtues which with frequent exercise assures the continuity of its health and availability.



    





Virtue, he continued, is the result of repeated action that has ended up as a good habit. The littlest good thing (like twenty-five cents) will be easy to repeat, and more encouragingly prescribed, as it will be done with love.








Anumang magaling, kahit na maliit, basta't malimi't ay patungong langit.




langit.....KUHA MO?! (Madame Ana Manalastas, ikaw ba yan?)










plus not to be missed are those cute seminarians walking around (maisingit lang talaga ang kalandian) hihihi ;D

Thursday, June 9, 2011

TOWEL

bait-baitan muna ulit akitch mga teh hane..hihihihi ;D



In preparation for the start of our classes ( yes po, di kami kasabay ng karamihan..sa june 13 pa kami magsisimula) and before we have our first faculty meeting, a priest was invited to speak to the faculty. I've heard many spiritual talks before and I thought it will be like that..borrrriiinnng..


But, it was totally different. He compared the importance of a teacher with a towel,



he said that like a towel, a teacher should have the following qualities:



  • it must be wide that can hug the whole body and not like a bimpo that can only wipe a small space
  • it must be absorbent
  • it must be reusable
  • and must be for cleansing, in other words, for healing







pak! may nangbato na naman..tinamaan akitch! choz!




and the we proceeded to an activity wherein we have to wash each others feet which symbolizes our commitment to serve each other not only because we have to as dictated by laws or commands, but because we are FAMILY..working together for the good of our students...






another ten months...this really is it...





napapadalas yata  pagiging mabait ko ah..hmmmmm...

Wednesday, June 8, 2011

DAYFLY

bait-baitan muna akitch mga teh hane..hihihihi ;D



In our life we have moments that we feel that the God we believe in has forgotten us because of numerous problems we experience...








and whenever I feel that way, I learned to look and observe the earth that surrounds me and then count my blessings..








like this Korean young man, who most of his existence felt like a dayfly..sa wika natin..BANGAW..







indeed music is the language of the soul..






binuhay mo ang katawang lupa ko kuya! pak na pak!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...